Naghain na sa Korte Suprema ng petition for certiorari and prohibition ang kampo ni Senator Antion Trillanes IV.
Ito ay para hilingin sa korte suprema na mag-isyu ng writ of preliminary injuction o temporary restraining order (order) laban sa proclamation no. 572 na nagpapawalang-bisa sa amnesty ng senador.
Ayon sa abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles – walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang amnesty.
Aniya, wala nang kaso pa ng senador ang dapat buhayin dahil na-dismiss na ito noon.
Kung magkataon, paglabag aniya ito sa karapatan ni Trillanes laban sa double jeopardy.
Dagdag pa ni Robles, malinaw na target at hina-harass talaga ng administrasyong Duterte si Trillanes.
Facebook Comments