Posibleng maharap sa parusang kamatayan ang isang Pilipina matapos mahulihan ng 5.9 kilo ng shabu sa bayan ng Manggatal, Kota Kinabalu, Malaysia.
Ayon kay Sabah Deputy Police Commissioner Datuk Zaini Jass – naaresto sa raid ang 32-anyos na Pilipina.
Narekober ang mga droga na nakatago sa mga pakete ng tsaa at nadiskubre ang 5.4 kilo ng droga sa isang sasakyan.
Nagkakahalaga ang mga ito ng ₱3.4 million.
Ang mga droga ay pag-aari ng isang lalaki na tinutugis pa.
Umaasa ang pulisya na agad mahuhuli ang lalaki at ang main supplier ng shabu.
Iniimbestigahan ang Pilipina sa ilalim ng Section 39B ng Dangerous Drugs Act 1952 sa Malaysia.
Sa ilalim ng batas ng Malaysia, ang mga mahuhulihan ng 200 gramo o higit pa ng marijuana o 15 gramo o higit pa ng heroin o morphine ay ituturing na trafficking at may parusang kamatayan sa pamamagitan ng hanging.
Ayon sa DFA, mula nitong Marso nasa 48 Pilipino ang nasa death row sa Malaysia.