PINAY BEAUTY | Liza Soberano, top 1 sa 100 most beautiful faces of 2017

Manila, Philippines – Nangunguna sa listahan ng 100 most beautiful faces of 2017 ang aktres na si Liza Soberano.

Kahapon, nang ilabas ng professional film critic na si TC Candler ang listahan na taon-taong pina-publish sa The Independent Critics.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanguna ang isang Filipina celebrity sa listahan mula nang simulan ito noong 1990.


Ayon kay TC Candler, aesthetic perfection ang naging tanging criteria nila sa pagpili.

Samantala, pasok din sa listahan ang model/ actress na si Kim Domingo na nasa 96th spot, Nadine Lustre, Jessy Mendiola at Kathryn Bernardo.

Habang sa 100 most handsome faces of 2017, kasama ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga, ka-loveteam ni Liza na si Enrique Gil at si James Reid na nasa 4th spot.

Facebook Comments