Isang 58-year-old na Chinese na lalaki at isang 40-year-old na Filipina domestic worker sa Hong Kong ang arestado sa kasong drug trafficking.
Sa naturang drug operation ng Hong Kong authorities, nasamsam ang iba’t ibang uri ng iligal na droga na nagkakahalaga ng HK$125 million.
Ang babaeng OFW ay nakakulong na ngayon sa Hong Kong.
Nagpapatuloy naman ang crackdown operation ng mga otoridad doon at nagbabala ito na seryosong kaso ang drug trafficking.
Bukod kasi sa multa ay maaaring makulong ng habambuhay ang sino mang mahuhuling nagtutulak ng iligal na droga sa Hong Kong.
Facebook Comments