Arestado sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA-3 ng Bureau of Immigration – Anti-Terrorist Group (BI-ATG) ang isang Filipina dahil sa pagdadala ng iligal na droga.
Kinilala ni BI-ATG Head Bienvenido Castillo III ang Pinay drug courier na si Joy Dagonano Gulmatico, 29 anyos.
Ang Pinay ay dumating sa NAIA 2 mula Sierra Leone sakay ng Ethiopian Air flight.
Nabawi mula sa kanya ang 4.574 kilograms ng cocaine na may street value na mahigit 24 million pesos.
Ayon kay Castillo, natunugan nila ang kaduda-dudang flight pattern ng suspek.
Si Gulmatico ay nahaharap sa kasong drug trafficking.
Facebook Comments