Pasok na ang Pinay golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa Tokyo Olympics na gaganapin sa Hulyo.
Ito ay matapos mapabilang ang dalawa sa Top 60 ng Olympic golf rankings.
Sasamahan nila Saso at Pagdanganan ang 15 pang manlalaro na magrerepresenta ng bansa sa iba’t ibang kategorya sa Tokyo.
Kabilang dito sina EJ Obiena ng pole vault, Carlos Yulo ng gymnastics, Hidilyn Diaz at Elreen Ando ng weightlifting, Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Nesthy Petecio ng boxing, Cris Nievarez ng rowing, Kurt Barbosa ng taekwondo, Margielyn Didal ng skateboarding, Jayson Valdez ng shooting, Kiyomi Watanabe ng judo at Kristina Knott ng track and field.
Facebook Comments