Pinay illegal recruiter sa Hong Kong, hinatulang makulong

Pagkakakulong ng 28 buwan ang naging hatol sa isang Filipina OFW sa Hong Kong na nangolekta ng pera sa mga kapwa Pinoy kapalit ng hindi naman naibigay na trabaho.

Napatunayan ding guilty ang Pinay domestic worker na si Marijane Biscocho, 45 years old, sa kasong Breach of Condition of Stay at Money Laundering.

30 buwang pagkakakulong naman ang hatol sa kasabwat ng Pinay na may-ari ng employment agency sa Hong Kong na isang lokal doon.


Nabatid na ilang Pinoy domestic workers doon ang kinolektahan ng pera ng dalawa kapalit daw ng trabaho sa Hong Kong o Macau bilang waiters at factory workers subalit wala naman silang naibigay na trabaho.

Nabigo rin silang maibalik ang perang nakolekta sa mga biktima.

Facebook Comments