
Naaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 57-year old na Pinay.
Ayon sa PNP-AVSEGROUP tubong Davao City ang naturang indibidwal na lumapag sa niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ang suspek ay may warrant of arrest para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code kaugnay ng Presidential Decree 1689 (Syndicated Estafa).
Tiniyak ng mga tauhan ng AVSEGROUP na naipabatid sa pasahero ang kanyanatan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng CIDG ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.
Facebook Comments









