Pinay na may kasong estafa, arestado sa NAIA pagdating mula Hong Kong

Arestado sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3 ang isang 45-year-old na Pilipina mula Hong Kong.

Kaugnay ito ng kanyang warrant of arrest sa kasong estafa na may katapat na piyansang P40,000.00.

Ang suspect na residente ng Viente Reales, Valenzuela City, ay agad na dinala sa Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District para sa documentation at legal proceedings.

Nabatid na noon pang July 30, 2013 inilabas ng korte ang warrant of arrest laban sa Pinay.

Facebook Comments