Pinay na stranded noong pandemic sa Russia, nakauwi na ng Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nababalik na ng Pilipinas ang isang Overseas Filipino Worker na naipit sa Moscow, Russia noong pandemic.

Ang naturang Pinay ay naging undocumented dahil hindi siya naka-renew ng kanyang visa noong COVID-19 pandemic.

April 2014 nang pumasok siya sa Russia bilang household service worker at yaya.


Habang naghihintay ng repatriation, nagtrabaho muna siya bilang part-time.

Sinagot naman ng Philippine Embassy sa Russia ang gastusin sa pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Facebook Comments