Proud to be Pinoy!
Iyan ang naging motto ng hiker na si Bianca Lawas matapos akyatin ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mount Everest. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na iwagayway ang bandera ng Pilipinas at magsuot ng nakabibighaning Filipiniana gown habang nasa Everest Base Camp na pumapalo ng -15 degrees ang temperatura.
Ayon kay Bianca, hindi biro ang pagpapalit ng gown habang umuulan ng niyebe at tinulungan siya ng kanyang mga kasamahan para maisuot ng maayos ang Filipiniana.
Ibinahagi niya ang mga larawan sa kanyang official Facebook account noong Abril 30. Narito ang kanyang caption para sa one of a kind experience:
“Representing the Philippines in Everest Base Camp in my Red Filipiniana Gown. 🇵🇭 🙋🏻♀️💃🏻🏔👣💪🏻
PS. Changing into my Filipiniana National Costume outdoors while snowing at 5364 meters above sea level with -15 degree celsius temperature is no joke! No joke at all!!! Hahaha! 😂”
Sobrang humanga ang mga netizens sa kanyang naging katapangan. Sa kasalukuyan, umabot na sa 2,800 likes at 1,600 shares ang nasabing post.