Pinay OFW na nagkaroon ng brain hemorrhage sa Kuwait, nakauwi na ng bansa

Dumating na sa bansa ang 52-anyos na Pinay domestic worker sa Kuwait na nagkaroon ng matinding brain hemorrhage.

Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Virgie Begornia ay dumating nang naka-stretcher at may tracheostomy para makahinga habang nasa biyahe.

Agad naman siyang dinala sa isang ospital sa San Fernando, Pampanga para magpatuloy ng pagpapagaling.


Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ayuda sa naturang OFW.

Facebook Comments