Pinay OFW sa Singapore na nahawaan ng employer ng COVID-19, naka-confine na sa ospital

Naka-confine na sa hospital ang isang Filipina household service worker sa Singapore matapos mahawaan ng kanyang employer ng COVID-19.

Ayon kay Philippine Embassy to Singapore Consul General Bernie Candolada, kasalukuyang nagpapagaling pa ang naturang Pinay kasama ang kanyang employer sa isang ospital doon.

Kinumpirma naman ng Embahada ng Pilipinas na nakalabas na ng ospital ang isa pang Pilipinong permanent resident sa Singapore na naunang nagpositibo sa COVID-19.


Nakabalik na rin aniya ito sa kanyang trabaho.

Ayon kay Candolada, nanatili pa rin sa orange alert level ang Singapore kung saan mahigpit pa rin ang safety measures na ipinatutupad ng Singapore government at pinaiiwas ang publiko sa mga matataong lugar para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Candolada na mataas naman ang recovery ng mga pasyenteng naka-confine sa mga pagamutan doon kung saan umabot na sa 74 ang nakalabas habang 32 naman ang nanatili pa sa ospital.

Facebook Comments