
Arestado sa entrapment operation ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Philippine National Police (PNP) ang isang babaeng suspek gayundin ang kaniyang Russian fiancé at dalawang bodyguard dahil sa pagkakasangkot sa illegal recruitment.
Ang babaeng suspek na may initials na C.M. at mga kasamahan nito ay inaresto matapos ang reklamo ng isang biktima na pinangakuan nito ng trabaho bilang production worker sa New Zealand at Japan sa loob ng tatlong taong-kontrata at sahod na Php 100,000 kada buwan.
Naniningil pa aniya si C.M. ng processing fee na Php 30,000 hanggang Php 72,500 para sa ipinangako nitong trabaho pero bigo siyang makaalis.
Nabatid na may mahigit 10 pang ibang reklamo hinggil sa illegal recruitment laban kay C.M.
Inihahanda ng mga awtoridad ang reklamong illegal recruitment na isasampa laban sa mga naaresto.










