Pinay sa Belgium, dinuraan sa mukha, sinabihang coronavirus

Photo from Shutterstock

BRUSSELS, BELGIUM – Maliban sa banta ng COVID-19, problema rin ngayon ang diskriminasyong nararanasan ng ilang Pinoy sa Europe lalo na at binansagan ang kontinente bilang epicenter ng coronavirus pandemic.

Kuwento ng isang kababayan, dinuraan daw siya sa mukha ng isang lalaki habang naglalakad siya sa kalsada noong nakaraang linggo.

Pagpasok naman niya sa isang botika, bigla raw nanginig sa takot ang isang matandang babae at sinabihan siyang coronavirus.


Ayon sa embahada ng Pilipinas doon, nakapagtala sila ng mga insidente na tila napapagkamalang Chinese ang ilang OFW.

Sa kabila nito, tiniyak ng tanggapan na proprotektahan nila ang karapatan ng mga Pinoy laban sa mga mapanghusga at mapanakit.

Mananatili rin silang bukas sa mga nais magsumbong hinggil sa diskriminasyong nagaganap.

Sa huling datos na inilabas ng World Health Organization (WHO), umakyat na sa 17,880 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Europe kung saan halos 2,000 na ang namatay.

Facebook Comments