Aabot lamang sa 2.2 kilometro ang distansya ni Mary Jane Pacheco sa kaniyang pinagtatrabahuhan mula sa distansya ng nais atakihin ng Iran na pinakamalaking US Base sa Al Udeid.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Mary Jane, pangamba at takot ang naramdaman nito nang marinig ang malakas na sirena at masaksihan sa himpapawid ang mga makukulay na missiles.
Dahil dito, nataranta umano siya at inalala na lamang kung ano ang kaniyang gagawin.
Samantala, nakaantabay at nakaplano umano ang embahada ng Pilipinas sa Qatar sakaling magkaroon ng emergency repatriation.
Matatandaan na pansamantalang isinara ang airspace sa Qatar gabi ng June 23, at ilang minuto lamang ay naglipana na ang mga missiles mula sa bansang Iran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









