Pinay senior citizen na nawawala sa sunog sa London, hindi pa rin matunton

London – Hindi pa rin matagpuan ang Filipina senior citizen na nawawala sa sunog sa residential building sa London, United Kingdom.

Nabatid na ang unit ng Pinay na si Ligaya Moore, 60-anyos, ay nasa tuktok ng nasunog na Grenfell Tower.

Napag-alaman din na wala itong kasama sa kanyang unit.


Una nang umapela ang Philippine Embassy sa housemates ng mga Pilipinong naapektuhan ng sunog sa London na makipagtulungan sa kanila para mapabilis ang pagtukoy sa identity ng mga nawawala sa sunog.

Facebook Comments