Pinay singer, balik sa X-Factor matapos makalusot sa wild card

United Kingdom – Balik muli sa center stage ng X-Factor UK ang 22-anyos pinay singer na si Alisah Bonaobra.

Ito’y matapos na mapili siya bilang wild card act ng girls category.

Matatandaan na minsan na ring nakaligtas sa elimination ang Pinay singer pero bigo naman itong ma-impress ang judge na si Sharon Osbourne sa final casting para sa live shows.


Nagkaroon ito ng pagkakataon na maipakita ang galing sa wild card act ng girls category kung saan kanyang inawit ang kanta ni Jordin Sparks na This Is My Now.

Dahil dito, magpapatuloy muli ang X-Factor journey ni Bonaobra kasunod nang pambihirang pagkakataon na iginawad sa kanya.

Facebook Comments