Pinay transgender na lantarang nambastos sa pambansang awit ng Pilipinas, hinahanap na

Manila, Hinahanap na ang pinay transgender na nag-viral sa social media ang video niyang nakahawak sa maselang parte ng katawan habang tumutugtog ang “Lupang Hinirang”.
Ayon kay Teodoro Atienza, Chief Herally and Display Section Ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), maituturing na pambabastos ang ginawa ng social media personality na si Maria Sofia Sanchez.
Aniya, inirekomenda na nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ni Sanchez sakaling siya ay Philippine passport holder at ilalagay rin sa “blacklist” ng Bureau of Immigration para hindi na makapasok ng bansa.
Napag-alaman din ng NHCP na nasa Los Angeles, California si Sanchez at inalerto na ang konsulado ng bansa para siya’y matunton.

Facebook Comments