Tuloy pa rin ang ensayo ng Filipino Weightlifter at Airwoman na si Hidilyn Diaz bilang paghahanda sa gaganaping Tokyo Olympics.
Ayon kay Diaz, tiwala siyang magwawagi siya sa nasabing palaro kaya pinapanatili niya ang magandang kondisyon ng kaniyang katawan.
Nakatakda sana siyang magtungo sa Columbia para sa kaniyang huling Olympic Qualifying Event pero hindi natuloy dahil sa travel ban.
Nakamit ni Hidilyn ang una niyang gold medal noong 2019 Sea Games Weightlifting Competition para sa kategoryang Women’s 55-kg.
Habang silver medalist naman noong 2016 Rio Olympics.
Facebook Comments