PINAYAGAN | Hiling ni dating VP Binay na makapag-pilgrimage sa Italy, pinagbigyan

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan third division si dating Vice President Jejomar Binay na pumunta sa Italy para sa isang pilgrimage mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 13.

Pero nagbigay ng mga kondisyon ang korte kay Binay.

Kabilang na rito ang pagtiyak na limitado lamang sa Italy ang pupuntahan nito at kailangan rin niyang magpakita sa korte sa loob ng limang araw pagbalik niya ng Pilipinas.


Dinoble rin ng anti-graft court ang travel bond ni Binay na P384,000.

Si Binay ay nahaharap sa kasong graft, malversation at falsification of public documents sa third division kaugnay ng umano ay maanomalyang pagpapatayo ng Makati City hall parking building.

Inaprubahan na rin ng fifth division ang kaparehong mosyon ni Binay kung saan nahaharap naman ito sa mga kaso kaugnay pagpapatayo ng Makati Science High School.

Facebook Comments