PINAYAGAN | Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, makakabyahe na sa Amerika

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 7th Division na makabyahe sa Amerika si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.

Sa ibinabang desisyon ng korte sa mosyon ni Biazon, binigyan ng go-signal ang pagbyahe nito sa Estados Unidos mula November 10 hanggang November 18 sa kabila ng mariing pagtutol dito ng prosekusyon.

Babyahe ang kongresista sa Washington DC at Virginia sa US.


Inaatasan lamang si Biazon na personal na magreport sa korte sa loob lamang ng limang araw matapos itong makabalik ng bansa.

Si Biazon ay dati na rin namang nakapagbayad ng P180,00 na travel bond sa korte na siya ring gagamitin na travel bond sa kanyang byahe.

Nahaharap ang mambabatas sa iba’t ibang kaso sa Sandiganbayan dahil sa anomalya sa kanyang pork barrel.

Facebook Comments