PINAYUHAN | Dating CHR Chairman Etta Rosales, may payo kay Pangulong Duterte hinggil sa magiging kilos sa harap ng publiko

Manila, Philippines – Pinayuhan ni dating Commission on Human Rights Chairman Etta Rosales si Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagpapasaring sa special rapporteur ng United Nations dahil ito ang dahilan ng pagdami umano ng mga tumutuligsa sa Pangulo lalo na sa usapin ng Human Rights.

Sa isang Forum sa Manila, sinabi ni Rosales na isa ring propesora, hindi angkop sa Pangulo ng Bansa ang paggamit ng mga katagang hindi kaaya-aya, tulad ng pagmumura at kawalan ng respeto sa kababaihan.

Paliwanag ni Rosales ilan sa mga naging pahayag ng Pangulo na ay hindi nababagay ay ang pamimintas kay UN special Rapporteur Agnes Callamard at ang walang gatol na pagsasabing dapat barilin sa ari ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army.


Dagdag pa ni Rosales na obligasyon ng Pangulo na kunin ang respeto ng publiko at maging ng International leader.

Facebook Comments