Manila, Philippines – Pinayuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang publiko na huwag makinig sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte kapag binibigyang kahulugan o ini-interpret ang bibliya o Quran.
Ayon kay Mayor Sara, hindi pari, pastor o imam ang kanyang tatay kaya huwag seryosohin ang kaniyang mga sinasabi.
Aniya, ipinapahayag lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang opinyon.
Giit ng alkalde, ang dapat pakinggan ng publiko ay kapag nagsalita ang Pangulo tungkol sa usapin sa pamamahala o governance.
Dagdag pa ni Sara, huwag nang sayangin ng mga tao ang kanilang lakas para punahin ang mga personal na opinyon ng Pangulo dahil protektado siya ng constitutional right to freedom of speech and expression.
Matatandaang umani ng kritisismo ang Pangulo matapos tawaging ‘istupido’ ang Diyos.