Manila, Philippines – *‘*Huwag puro gadget atupagin’
Ito ang payo ni Education Secretary Leonor Briones sa mga estudyante kasabay ng pagbubukas ng klase.
Apela ng kalihim, imbes na gadget hawakan, magbasa ng libro at magsumikap sa pag-aaral.
Dapat aniyang ugaliin ng mga estudyante na magbasa ng aklat para madagdagan ang kanilang kaalaman.
Kaugnay nito, pinaplano na ngayon ng pamahalaan na magpatupad ng computerization program para na rin mabawasan ang mga librong binibitbit ng mga estudyante.
Facebook Comments