PINAYUHAN | Mga commuters maaaring ipatigil ang panibagong fare increase – Sec. Panelo

Manila, Philippines – Pinayuhan nalang ng Palasyo ng Malacañang ang mga grupo ng commuters na maghain ng motion for reconsideration (MR) na pipigil sa pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dati nang nagbigay ng rekomendasyon ang National Economic Development Authority o NEDA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na huwag munang aprubahan ang hiling na dagdag-pasahe pero hindi ito pinakinggan.

Sinabi ni Panelo na kung gustong mapigilan ng ilang grupo ang pagtaas sa pasahe ay maaari naman silang maghain ng mosyon sa LTFRB.


Ipinaliwanag naman aniya ng LTFRB na binalanse nila ang argumento ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan at mga pasahero at epekto ang nito sa inflation ay maliit lang naman anila.

Sa ngayon base sa fare increase ng LTFRB sa Jeepney at bus ay 10 piso na ang minimum sa jeep habang 13 piso naman sa bus.

Facebook Comments