PINAYUHAN | Mga pulis na nakararanas ng depresyon pinayuhang lumapit agad sa kanilang mga pinuno

Manila, Philippines – Hindi dapat mag-atubili ang mga pulis na lumapit sa kanilang mga pinuno sakaling makaranas ang mga ito ng stress at depresyon sa kanilang trabaho o personal na buhay.

Ito ang sinabi ni Eastern Police District Director Chief Superintendent Reynaldo Biay kasabay ng mainit na usapin hinggil sa depression na kadalasang nauuwi sa pagpapakamatay.

Ayon kay Biay mahalagang matutukan ang mental health ng mga alagad ng batas dahil armado ang mga ito at maselan ang kanilang trabaho.


Kadalasang problema ng mga pulis ay kahalintulad din ng ordinaryong mamamayan tulad ng salapi, pamilya at relasyon sa ibang tao.

Una na ngang inilunsad ng EPD noon ang tinatawag nilang EPD Cares kung saan tinuturuan nila ang mga pulis na mag-ipon at hindi maging waldas.

Matatandaang kamakailan lamang napabalita na nagpakamatay ang American fashion designer na si Kate Spade at ang kilalang chef na si Anthony Bourdain at iba pang malalaking personalidad.

Facebook Comments