Manila, Philippines – pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Coalition for Justice (CFJ) na pag-ibayuhin ang pag kumbinsi sa majority senators na umaksyon laban sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Una rito ay sumulat sa mga senador ang CFJ kung saan kanilang hiniling ang pagpasa ng resolusyon na mananawagan sa korte suprema na isuspinde ang proceedings kaugnay sa quo warranto petition at hayaan na lang ang senado na magsagawa ng impeachement trial sa punong mahistrado
paliwanag ni Senator Drilon, suportado nila ang hiling ng CFJ pero hindi sapat ang bilang nila sa minorya.
Anim lang lang kasi ang bumubuo sa minorya na kinabinilangan ni Drilon, at nina Senators Francis Pangilinan, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros at Leila de Lima.
Pakiusap naman ni De Lima sa mga kasamahang Senador, ipaglaban at protektahan ang itinatakda ng konstitusyon na tanging sila ang may mantado na maglitis sa isang impeachable official.