Manila, Philippines – Pinayuhan ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali si Pangulong Duterte na sumunod sa tradisyon ng pagpili ng susunod na Punong Mahistrado kapalit nang napatalsik na si dating CJ Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, umaasa siya na sa pagkakataon na ito ay gagawin na ng tama ng Pangulo ang pagtatalaga sa susunod na Chief Justice.
Hinikayat ni Umali si Pangulong Duterte na sumunod sa tradisyon ng `seniority` sa itatalagang Chief Justice upang hindi maulit ang gulong nalikha sa pagitan ng mga Mahistrado.
Paliwanag ng mambabatas, kapag may naba-bypass sa posisyon ay talagang nagkakaroon ng conflict sa loob mismo ng isang organisasyon.
Nanawagan naman si Umali sa mga kapwa nito myembro sa Judicial and Bar Council na maging strikto sa pagsunod sa requirements sa irerekomendang Chief Justice.