PINAYUHAN | Pinadi-deport na Australian missionary, maaring kumuha ng tourist visa habang dinidinig ang kanyang apela

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Australian missionary Sister Patricia Fox na mag-apply na muna ng tourist visa habang dinidinig ng DOJ ang kanyang apela.

Ayon pa kay Guevarra, sakali mang hindi pagbigyan ng DOJ ang kanyang apela na, maari pa ring i-akyat ni Sister Fox sa Office of the President ang isyu hanggang sa makarating sa Court of Appeals (CA) at Korte Suprema.

Kahapon, umapela sa DOJ ang Australian missionary na hayaan na muna siyang manatili sa bansa.


Sa Miyerkules, magpapaso na ang missionary visa ni Sister Fox.

Tiniyak din ng kampo ng madre na gagawin nila ang lahat ng ligal na pamamaraan para mabaligtad ang pagpapa-deport sa kanya ng Bureau of Immigration (BI).

Facebook Comments