Manila, Philippines – Pinayuhan ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo si Sen. Antonio Trillanes na huwag munang ganap na magdiwang.
Ayon kay Panelo – nakapagpiyansa lamang si Trillanes sa Makati RTC branch 150 para sa kasong rebelyon ngunit wala pang desisyon ang kasong kudeta ng senador na nasa branch 148 na isang non-bailable offense.
Iginiit ni Panelo na dapat paghandaan ni Trillanes ang isa sa mga posibleng scenario gaya ng pagbabalik sa kulungan.
Facebook Comments