Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malacañang si Australian missionary Patricia Fox na sumunod sa batas dito sa Pilipinas o kahit saan man.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Manelo – ang pagpapaalis sa bansa kay Fox ay paalala sa mga banyagang nasa bansa na hindi lahat karapatan at pribilehiyo ay maaring ibigay sa kanila.
Itinanggi rin ni Panelo na ang deportation proceedings laban kay Fox ay layuning patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.
Aniya, ang absolute exercise ng political rights ay eksklusibo lamang sa mga Pilipino.
Dagdag pa ni Panelo, hindi magiging exempted sa batas si Fox kahit pa mayroon siyang mabubuting gawa sa kanyang pananatili sa Pilipinas.
Maaalalang lumipad na patungong Australia nitong Sabado, November 3 si Fox matapos ang halos anim na buwang pagkontra sa deportation order laban sa kanya.