PINAYUHAN | Supreme Court, dapat maging maingat sa pagpapasya kaugnay sa quo warranto petition laban sa Punong Mahistrado

Manila, Philippines – Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na magiging lubos na maingat ang Supreme Court sa pagpapasya kaugnay sa Quo Warranto Petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paalala ni Drilon, mabigat ang anumang magiging desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman dahil ito ang final arbiter ng lahat ng constitutional issues.

Nangangamba si Drilon na kapag sinang-ayunan ng Supreme Court ang pagpapawalang bisa sa pagkakatalaga sa Punong Mahistrado ay posibleng manganib na rin na mapatalsik sa ganitong paraan ang iba pang impeachable officials.


Kabilang aniya dito ang Pangulo at ikalawang Pangulo ng bansa at pinuno ng constitutional bodies tulad ng Commission On Audit o COA at Commission On Elections.

Facebook Comments