Muling bubuhayin ng Mangaldan Town Fiesta at Pindang Festival 2026 ang sigla ng bayan habang inaasahang dadagsa ang mga kababayan at balikbayan mula February 14 hanggang March 9, ayon sa lokal na pamahalaan.
Bukod sa mga tradisyunal na gawaing panrelihiyon at pangkultura, tampok ngayong taon ang mga aktibidad na layong pasiglahin ang lokal na ekonomiya, partikular ang industriya ng pagkain at turismo.
Pinakamatingkad dito ang inaabangang Kalutan ed Dalan sa March 6, na inaasahang hihikayat ng libo-libong bisita.
Ayon sa ilang lokal na negosyante, malaki ang maitutulong ng pagdaraos ng kapistahan sa pagtaas ng kita ng mga tindero, food producers, at maliliit na negosyo.
Bukas ang selebrasyon para sa lahat, at inaasahang hindi lamang saya kundi oportunidad ang hatid ng Pindang Festival 2026 sa buong bayan.
Facebook Comments







