Manila, Philippines – Pinatatanggal na sa pwesto ng mga empleyado ng Social Security System si SSS Commissioner Pompee La Viña.
Ayon kay Alert and Concerned Employees of the SSS o ACCESS President Boyet Competente, ang pagsibak kay La Viña ang nagkakaisang kagustuhan ng mga empleyado ng SSS sa buong bansa kasunod ng akusayon ng commissioner sa 21 opisyal ng SSS dahil sa umanoy kaduda-dudang 145m peso media contracts.
Aniya, demoralisado na ngayon ang lahat ng empleyado ng SSS dahil sa ginawang paglabas sa media ni Lavina na isang trial by publicity.
Pero nilinaw ni Competente na hindi kinakampihan ng employees union ang mga inaakusahang opisyal.
Pero dapat ay pinag usapan muna ang isyu internally bago inilabas sa media.
Sabi ni Compente na naisumite na sa Office of the President at opisina ni Secretary Medialdea ang petition para masibak si La Vina.
Dahil ditto, nagbabala si Competente sa palasyo na kailangan nitong mamili sa pagitan ni La Vina at ng mga manggagawa dahil nakasalalay dito ang integridad at interes ng 35 milyong miyembro ng SSS.
Una nang naghain ng reklamo sa Ombudsman si Commissioner La Vina laban sa 21 opisyal ng SSS dahil sa umano’y multi-million peso media contract na hindi dumaan sa public bidding noong 2016-2017.