Ping Lacson at Partido Reporma campaign team, nakatutok sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Nakatutok si Partido Reporma Chairman at Senador Panfilo “Ping” Lacson at ang kanyang campaign volunteers at Senate staff sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Nagsagawa si Lacson at ang volunteers nito ng relief operation sa Cebu, Leyte, Southern Leyte, Siargao, Negros Island, at Palawan noong December 18.

Bukod dito ay nagpadala rin ang mambabatas ng Land Craft Tanker (LCT) para maihatid ang mga housing materials, pagkain, at tubig sa mga nasalantang lugar sa Visayas at Mindanao.


Sa ngayon, umabot na sa 375 ang naitalang nasawi ng Philippine National police (PNP) dahil sa Bagyong Odette.

Dahil dito ay nananawagan si Lacson ng sandaling katahimikan para ipanalangin ang mga biktima ng Bagyong Odette.

Facebook Comments