Ping Remulla, iprinoklama bilang bagong kinatawan ng Cavite 7th district

Ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang bagong kinatawan ng ika-7 distrito ng Cavite si Crispin Diego “Ping” REmulla, anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Kasunod ito ng isinagawang special elections sa Cavite kahapon, Pebrero 25.

Tinalo niya sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola de Sagun Jr., at Michael Angelo Bautista Santos matapos na makakuha ng 98,474 votes mula sa 149,581 registered voters na lumahok sa eleksyon.


Pupunan ng nakababatang Remulla ang binakanteng posisyon ng kanyang ama matapos na maitalagang kalihim ng Department of Justice.

Papangasiwaan niya ang mga bayan ng Amadeo, Indang, Tanza at ang lungsod ng Trece Martires.

Samantala, inilarawan ni Comelec Chairman George Garcia na “very peaceful” ang katatapos lamang na special election.

Facebook Comments