Ping, senado – iimbestigahan ang pagbalik sa serbisyo ni Marcos

Manila, Philippines – Matapos mapamura, tiniyak ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chair Panfilo Lacson na iimbestigahan ng senado ang pagbabalik trabaho ni Supt. Marvin Marcos.

Sabi ni Lacson, prayoridad ang imbestigasyon sa pagbubukas ng sesyon sa Senado.

Pabor din si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian na simulan kaagad ang imbestigasyon dahil nais nitong malaman kung paano bumaba ang kaso ni marcos mula murder sa homicide.


Nais din ni Gatchalian na harangin muna ang promotion ni Marcos bilang hepe ng PNP-CIDG sa region 12.

Para naman kay Sen. Grace Poe, ang pagbabalik serbisyo ni Marcos ay isang maling mensahe sa Philippine National Police.

Aniya, ito ay hudyat na puwede na lang basta pumatay ang kanilang mga tauhan nang walang parusa at may promotion pa.

Facebook Comments