PINIGILAN | Pagpapatupad ng suspension order ng Ombudsman laban sa Alkalde ng Lipa City, pinigil ng CA

Pinigil ng Court of Appeals (CA) ang suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban kay Lipa City Mayor Meynard Sabili.

Ito ay sa pamamagitan ng animnapung araw na temporary restraining order (TRO) na inisyu ng CA Special 4th Division laban sa isang taong suspensyon ng anti-graft body laban kay Sabili.

Partikular na inaatasan ng Appelate Court ang Office of the Ombudsman at ang Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag munang ipatupad ang suspension order laban sa Alkalde.


Kasabay nito, iniutos din ng CA sa mga petitioner na maglagak ng P100,000 na halaga ng bond.

Ito na ang ikalawang suspension order na ipinataw ng Ombudsman laban kay Sabili, ang una ay noong 2016, pero nakakuha si Sabili ng Temporary Restraining Order mula sa Supreme Court 2nd Division.

Facebook Comments