Pinirmahang EO No. 4 ni Pangulong Bongbong Marcos, malaking tulong sa mga magsasaka ayon sa dating DA secretary

Malaking tulong sa mga magsasaka ang Executive Order (EO) No. 4 na inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos pirmahan ng pangulo ang kautusan para sa isang taong moratorium sa hulog sa lupa ng mga magsasaka.

Sa isang panayam, sinabi ni dating Department of Agriculture (DA) Secretary at ngayon ay pangulo ng Federation of Free Farmers na si Leonardo Montemayor na makakapagpakalma sa mga magsasaka ang naturang kautusan.


Dagdag pa ni Montemayor, ito rin ay bilang paghahanda sa isinusulong na batas upang mapawalang bisa ang mga unpaid amortization at interest na binabayaran ng mga magsasaka.R

Sinabi pa ni Montemayor na bagama’t kakailanganin pa ng oras, pero mas mapapalakas nito ang food security dahil mas ma-e-engganyo ang mga magsasaka na magtrabaho.

Facebook Comments