Manila, Philippines – Pinoproseso na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation order sa Norwegian na wanted sa Oslo dahil sa pagpatay sa kanyang kapatid.
Si Helge Stensland ay unang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Santa Cruz, Laguna.
Siya ang itinuturong pumatay sa kapatid niyang si Audin sa Hellvik ,Norway noong October 16, 2016.
Sa records ng immigration, dumating sa bansa si Stensland noong Abril matapos siyang sintensyahan ng Korte sa Oslo.
Bukod sa parusang pagkabilanggo, pinagbabayad din si Stensland ng Norwegian authorities ng 1.7 million Norwegian Krones o 220-thousand US dollars na danyos sa mga naulila ng kanyang kapatid.
Facebook Comments