Pinoy – arestado sa Hong Kong dahil sa umano’y pagsali sa kilos-protesta

Arestado ang isang Pinoy matapos umanong makisali sa kilos-protesta sa Hong Kong.

Napag-alamang nagtatrabaho bilang parade dancer sa Hong Kong Disneyland ang 36-anyos na Pinoy.

Giit ng hindi pinangalanang Pinoy – hindi siya kasali sa protesta at nadamay lang siya.


Ayon kay Germinia Aguilar-Usudan, Deputy Philippine Consul General sa Hong Kong – hinuli ang Pinoy matapos magsuot ng itim na damit habang papunta sa isang convenient store para bumili ng pagkain.

Dalawang Hong Kong lawyers naman ang tumutulong sa kanya nang libre para makalaya.

Paulit-ulit naman ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Hong Kong na huwag makikisali sa gulo at umiwas muna sa mga lugar na pinagdarausan ng kilos-protesta.

Facebook Comments