Pinoy-based sa US, nalunod nang sagipin ang 11-anyos na anak

173
Image via Tristan Santiago

Isang pinoy ang nalunod nang sagipin ang 11-anyos na anak nito na lumalangoy sa Arizona creek nitong Linggo.

Kinilala ang pinoy na nalunod na si Gary Gaytano na tumalon sa Fossil Creak sa Camp Verde upang sagipin ang nalulunod na anak.


Agad namang rumesponde ang mga kaanak, kaibigan ni Gary upang i-CPR o cardiopulmonary resucitation ito. Tumulong na rin sa pag-revive ang mga bystander sa lugar ng pinangyarihan.

Dumating lamang ang paramedics sa creek matapos ang isang oras ngunit idineklara na itong ‘dead on the scene’.

Mayroon namang inilunsad na GoFundMe ang mga co-worker ni Gary para sa gastos ng kaniyang punerarya.

Naitala namang si Gary ang ikalawang namatay sa Fossil Creek ngayong taon at pang-pito simula noong 2015.



Facebook Comments