Nagwagi si Tokyo Olympics bound Pinoy boxer Eumir Felix Marcial sa kanyang pro debut kontra kay American boxer na si Andrew Whitfield.
Nanalo si Marcial sa pamamagitan ng unanimous decision sa 4-round middleweight contest na ginanap sa Shrine Expo Center sa Downtown Los Angeles (DTLA).
Ang mga judges na sina Don DeVerges, Ron Scott Stevens at Damian Walton ay nagbigay ng score na 40-36 sa lahat ng round pabor kay Marcial.
Dahil sa panalo, naitala ni Marcial ng Zamboanga ang kanyang unang pro win habang si Whitfield ay may record na 3-2, 2 knockouts.
Facebook Comments