Pinoy boxer Nesthy Petecio, wagi kontra sa Congo boxer na si Marcelat Sakobi Matshu sa Tokyo Olympics

Pinatunayan agad ni Nesthy Petecio ang galing ng Pinoy sa larangan sa boxing sa pagbubukas ng Tokyo Olympics matapos talunin ang Congo boxer na si Marcelat Sakobi Matshu sa pamamagitan ng unanimous decision sa Kokugikan Arena.

Apat na hurado ang bumoto ng score na 30-27 na pabor kay Petecio habang ang natitirang hurado ay mayroong 29-28 na score para sa boksingero na tubong Davao.

Matapos ang unang panalo, aabante si Petecio sa second round ng women’s featherweight division kung saan makakatapat niya ang kinatawan ng Chinese Taipei na si Lin Yu-Ting sa Lunes.


Facebook Comments