Pinoy caregiver Jimmy Pacheco, nagsalita na rin ilang araw matapos palayain ng Hamas

Nagsalita na rin dating na-hostage ng Hamas militants na si Jimmy Pacheco, ilang araw matapos siyang palayain.

Gayunman ang Philippine Embassy sa Israel ay humihingi ng paumanhin at pakiusap na hindi muna magpapa-interview sa media si Pacheco at sa halip ay nagbigay na lamang ito ng recorded interview para sa ilang kasagutan.

Hinihiling daw kasi nito na magpahinga muna at igalang ang kanyang pribadong buhay habang nagpapagaling pa.


Ayon kay Jimmy, hanggang sa ngayon ay hindi siya makapaniwala dahil wala naman daw sinasabi ang mga Hamas na kabilang siya sa palalayain.

Inamin din nito na noong nasa Gaza Strip siya ay nawalan na raw siya ng pag-asa na mabuhay pa at makasama muli ang pamilya.

Tanging ginagawa na lamang niya ay magdasal nang magdasal at pinalalakas ang loob para sa kanyang mga anak.

Nagbalik tanaw din ito noong October 7 nang patayin ng mga Hamas ang kanyang inaalagaang amo nang salakayin ang kanilang tinitirhan.

Hindi rin daw niya akalain na bubuhayin pa siya.

Ang bahagi ng kuwento ni Jimmy Pacheco habang nagpapahinga sa isang hotel sa Israel.

Sa ngayon ay bumabawi na lamang sya matapos na mangangayat dahil sa walang masyadong makain habang hostage sila ng mga Hamas.

Excited na rin siyang makasama ang kanyang pamilya sa darating na kapaskuhan na hindi niya nakasama sa loob ng anim na taon.

Facebook Comments