Manila, Philippines – Isang Filipino caregiver sa Israel ang nakakuha ng financial settlement mula sa kanyang agency matapos manalo sa inihain niyang kaso na illegal collection of placement fee.
Ang naturang Pinoy worker ay dumulog sa Philippine Overseas Labor Office sa Tel Aviv (POLO Tel Aviv) at isinumbong niya ang paniningil sa kanya ng agency ng 8-thousand US dollars na placement fee.
Sinuportahan naman ng kanyang Israeli employer ang Pinoy caregiver nang maghain ito ng reklamo.
Hinimok naman ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang Filipino workers na ireklamo ang mga agency na iligal na nangongolekta ng placement fees sa Household Service Workers (HSWs) dahil ito ay labag sa batas ng Pilipinas.
Facebook Comments