Pinoy caregivers at nurses, mataas ang demand sa ibang bansa -DOLE

Good news sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa.

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming bansa nag naghahanap ng Overseas Filipino Workers (OFW) partikular ang mga caregivers at nurses.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mataas ang demand ngayon sa mga health care workers, maging sa mga skilled drivers.


Sinabi ni Bello, ang mga bansang Czech Republic, Romania, Poland, at Germany ang maraming nagbukas na oportunidad.

In-demand din ang mga Pinoy health care workers sa United Kingdom.

Ang Israel at Japan naman ay naghahanap ng caregivers.

Facebook Comments