Epektibo na sa June 1 ng taong ito ang bilateral labor agreement ng Pilipinas sa Israel partikular ang kasunduan sa home-based caregivers sa Israel.
Nangangahulugan ito na ititigil na ang agency-hiring sa Filipino caregivers sa nasabing bansa.
Sa halip, maaari nang imbitahin ng mga pribadong kompanya sa Israel ang Pinoy caregivers para magtrabaho roon nang hindi na daraan sa agency.
Sa ngayon, mayroon nang 417 Pinoy caregivers ang nakatakda nang i-deploy sa Israel sa sandaling matapos na ang pagpirma nila ng kontrata at makakuha ng work visa sa embahada ng Israel sa Pilipinas.
Tuluy-tuloy rin ang pag-recruit ng POEA ng Filipino caregivers na ipadadala sa Israel.
Facebook Comments