PINOY CHESSER | FIDE Master John Paul Miciano patuloy ang pangunguna sa Asian Youth Championships sa Thailand

Thailand – Hindi pa rin natitinag si FIDE Master John Paul Miciano sa pangunguna sa 19th Asian Youth Chess Championships na ginagawa sa Chiang Mai, Thailand.

Naitabla ni Miciano ang kaniyang laban kay 10th seed Le Minh Hoang sa 48 moves para umangat sa 5.5 points pagkatapos ng six rounds.

Kahit tumabla lamang pa rin ng isang point ang 7th seed at pambato ng Pilipinas sa overall standings.


May pag-asa rin para makakuha ng medalya ang isa pang pinoy chesser na si Daniel Quizon dahil nasa sa ikatlong puwesto ito sa 18 year-old and under premier division ng chess tournament.

Tatlong round na lamang ang natitira sa torneo.

Facebook Comments